Tuesday, May 18, 2010

Kung Alam Mo Lang - Xcrew

kung alam mo lang kung gaano ka kahalaga
at dapat mo malaman na
may isang nagmamahal sau
buksan mo ang puso`t isipan mo


nung ako ay nagkamalay aking nadama
na para bang may kulang sa aking pagiging masaya
di ako makuntento kung ano meron ako
at gus2 kong lampasan ang lahat ng bumabato
ang pagsubok nga naman wala itong piniling tama
basta`t pag nadapuan ka parang binabasura
sa pakiramdam mo na tila ba lubog ka na
at ilang dipa nalang parang pinapatay ka na
lahat ng iyong nahulog ay di mo na mapupulot
unti unti ka ng binabatikos ng takot
ang buhay inisip ko minsan bakit ganun
hindi pareparehas at walang pantay ang pagkatao
marami ng nabiktima at nauwi sa luha
sinusumpa nila ano daw ang hindi na tama
hanggang isa sa kanila ay nalapitan ko
nagtanong sa akin kung natutulog ba ang diyos


hindi pa huli bakit di ka magsimula
may gumagabay sau at di ka nya iiwan pa
pagsubok na dumarating sa ating buhay
kumapit ka sa akin at ako sau ang aagabay

kung alam mo lang kung gaano ka kahalaga
at dapat mo malaman na
may isang nagmamahal sau
buksan mo ang puso`t isipan mo

hindi mo masasabi kung kailan ka babagsak
kung kailan nasa taas bigla ka ding malalalaglag
sayang ang lahat ng iyong pinaghirapan
at sana wag sisihin ang iba sa naranasan
ako man ay dumanas ng paninibugho
nagalit sa mundo at ang akala ko`y walang hinto
iniwan ako nila lahat ng nagmahal sa akin
puro hirap at pasakit ang naranasan sa dilim
hanggang sa nakilala ko ang dyos na ama
na dati kong tinatawanan at binalewala
kinukutya at nilalait at tinatawanan
lahat ng kanyang salita nabasa ko`y kabaduyan
dun ako nagkamali at malaking kahibangan
pati ang aking pananalig ay aking binitawan
ano man ang sabihin nyo sa akin ngaun
di bale ng kau magalit wag lang ang aking panginoon

kung alam mo lang kung gaano ka kahalaga
at dapat mo malaman na
may isang nagmamahal sau
buksan mo ang puso`t isipan mo

(2x)

habang nakatuon ang iyong mga mata sa lupa
nakayuko at kasabay ng pagpatak ng luha
kasama ng ulan at di mabilang na problema
tanging natatanaw ang kawalan mo ng pag.asa
marami ng gumugulo sa iyong isipan
kay dami ng humaharang sa harap at likuran
hindi sagot ang pag.iwas sa mga naranasan mo
o ang pagpatiwakal na akala mo ay sagot
ganyan ang kabataan lalo na ang kababaihan
mapapait na karanasan gustong kalimutan
katulad ng isang kwentong nangyari sa babae
pag.asa ng magulang panganay sa magkakapatid
nais makatulong mai.ahon sa hirap
at may kasintahan na hindi din rin sia iiwan
nanggaling sa skwela ginabi ng pag.uwi
at tinahak ang madilim na kalyeng pugad ng adik
hindi nya inasahan sa kalagitnaan ng paglakad
ang mga nakasalubong nya`y isang banta
sa harap at likuran meron mga naka.abang
na tila kahit na butas ay hindi makakatakas
hinawakan ang kamay sabay tutok ng patalim
at buong gabing pinaubaya ang pagkababae
wala ring nagawa ang pagsigaw ng malakas
sa naranasan nyang sakit sa katawan at kalooban
iniwang buhay nakatanim sa ala.ala
isang munting pangarap ang biglang nawala
ngaun ang kanyang tanong bakit ba merong dyos ama
upang pabayaan sya sa gitna ng mga masasama
tulala buong maghapon at maraming tanong
para saan pa daw lahat ng kanyang mga naitulong
hindi na madali ang pagtanggap ng sakit
ngunit kelangan lampasan at tanggapin ang sinapit

hindi pa huli bakit di ka magsimula
may gumagabay sau at di ka nya iiwan pa
pagsubok na dumarating sa ating buhay
kumapit ka sa akin at ako sau ang aagabay

sa bawat paglipas ng oras at panahon
at hindi ko napansin na ako pala`y lulun
sa pinagbabawal na gamot na sakin ay sumakop
pinalaki naman ako ng tama at angkop
sa kanilang sinabi ay wala akong natutunan
halos lahat ng bisyo ay akin ng naranasan
liwanag ng pag.asa ay di ko na masilayan
pinilit kong hanapin kahit na nahihirapan
at sa dumating ang araw dapat ng umiwas
pinilit kong umayon at sa bisyo ay lumikas
pinilit kong buksan ang nakakandado na rehas
halos pikit mata halos kamay ay nakaposas
akin ng pinagsisihan ang bawat na kasalanan
kung nakinig ako hindi ko to mararanasan
sana`y sakit na naramdaman sana ay malunasan
tinatanong saking sarili kelan ko toh maiiwasan

hindi pa huli bakit di ka magsimula
may gumagabay sau at di ka nya iiwan pa
pagsubok na dumarating sa ating buhay
kumapit ka sa akin at ako sau ang aagabay

kung alam mo lang kung gaano ka kahalaga
at dapat mo malaman na
may isang nagmamahal sau
buksan mo ang puso`t isipan mo

kung alam mo lang kung gaano ka kahalaga
at dapat mo malaman na
may isang nagmamahal sau
buksan mo ang puso`t isipan mo

(2x)

1 Comments:

Blogger ilanitdagenais said...

The Casinos Near Penn National Race Course - Mapyro
Find 양산 출장안마 Casinos Near Penn National 광주 출장샵 Race Course in 진주 출장안마 Wilkes-Barre, PA in real-time and see activity. Zoom in or zoom 양주 출장안마 in quick. 계룡 출장안마

March 4, 2022 at 1:02 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home